A Travellerspoint blog

Pagbabalik-tanaw...

rain 27 °C

Bata pa lang ako, mahilig na talaga ako...

Mahilig maglaro at manood...

ng volleyball... Hehehe...

Nanonood na ako sa channel 9 noon ng World Grand Prix, tanda ko nung 1993 pa yun kung kailan nagsimula and World Grand Prix. Madalas kong mapanood noon ang mga bansang Brazil, Cuba at China. Yun kasi yung malalakas na bansa kapag Volleyball ang pinag-usapan. Simula nun nagustuhan ko na talaga ang Volleyball. Yun din ang simula ng paglalaro ko ng Volleyball sa iskwelahan. Nung high school ako, sa intramurals namin ako ang binigyan ng award na Most Valuable Player. Well, deserving naman ako nun. Ako ang team captain nun.

Naalala ko pa, nung 1998 yata yun na magkaron ng Metropolitan Volleyball Association o MVBA na kung saan naglaro ang iba't-ibang male volleyball players dito sa bansa natin. Natatandaan ko nun sina Papa na kababayan ko sa Navotas City, Gallo, Cruz ang setter na left-handed na pumapalo, at kung hindi ako nagkakamali, si Verayo ang MVP sa MVBA na isang conference lang. Hindi ganun kalakas at kasikat ang Volleyball pag dating sa mga male players dito sa bansa. Dito kasi sa atin, ang alam ng nakararami, kapag lalaki ka at naglalaro ka ng volleyball eh bakla ka na.

Dumating ang college years ko. Nung 2004, 4th year college na ako ng nagsimula ang Shakey's V-League na kung saan ang mga top universities at colleges na naglalaro sa UAAP at NCAA ay kasali at naglalaban-laban. Dito naman, mga babaeng players lang ang naglalaro. Pero, 2005 ko na talaga nalaman na may Shakey's V-League pala. Kasalukuyang nasa on the job training ako ng nagsimula ang Season 2, First Conference ng V-League. Pag dating ng 4:00pm nagpapaalam na ako para makapunta sa Vito Cruz sa Rizal Memorial Stadium para makapanood ng V-League. Nung time na yun gustong-gusto ko ang De La Salle University Lady Green Archers dahil guest players nila ang magkapatid na Michelle at Mayette Carolino. Naaalala ko pa nun nung second match ng DLSU at UST, in three straight sets nanalo ang DLSU. Nung first match nila kasi nanalo ang UST in 4 sets kaya bumawi ang DLSU. May mahabang rally nun at si Michelle Carolino ang pumatay sa bola. Libre pa nun ang panonood kaya kahit saan pwedeng umupo. Sinubaybayan ko talaga ang conference na yun. Sila Cherry Rose Rivera-Macatangay at Joanne Botor-Carpio na pareho ko ring gustong players ay naglalaro nun bilang guest players para sa Colegio de San Juan de Letran habang sila Roxanne Pimentel na Team Captian ng Philippine Team nung panahong yun at Rubie de Leon ay guest players naman ng University of Sto. Tomas. Natuwa rin ako dahil sumali ang dating Philippine Team na nanalo ng Gold Medal sa 1993 Southeast Asian Games o SEA Games. Sila Amelia Guanco, Rosemarie Prochina, Thelma Barrina-Rojas na Team Captain ng Philippine Team nung 1993, Chay Arceo-YbaƱez na left-handed, Theresa dela Rosa, Leonora Escollante, Bernadette Gaspar at Ma. Theresa Iratay ang naaalala ko na members ng PSC o Philippine Sports Commission Team. Sa conference na ito, si Michelle Carolino ang tinanghal na Most Valuable Player. Ang galing niya talaga.

Pagkatapos nung conference na iyon, hindi ko na nasubaybayan ang Shakey's V-League hanggang dumating ang pagkakataon na mapanood ko ulit ito ngayong taon na. Gosh! Nagulat ako dahil Season 6 na pala ngayong 2009 ito at sa The Arena sa City of San Juan na ito ginaganap. May bayad na rin ang panonood. Sa upper box Php20.00, sa lower box Php100.00 at sa ring side Php150.00 ang bayad. Actually, nung nakapanood ako ng live dun, quarterfinals na.

Sa quarterfinals ang talagang inabangan ng mga tao eh yung paghaharap ulit ng University of Sto. Tomas at San Sebastian College-Recolletos. Ang akala kasi ng iba makakabawi ang SSC-R sa UST dahil nung opening ng Shakey's V-League nanalo ang UST in 5 sets. Nung quarterfinals naman panalo pa rin ang UST in 4 sets. Ang scores:19-25, 25-23, 25-18, 25-23. Napakaganda rin ng crowd nun dahil talagang asaran. Pati ako nakikisali sa pag-cheer sa UST kahit hindi naman ako Tomasian. Nagpakita ng galing dito ang mga inaasahang aarangkada talaga para sa UST, sina Michelle Carolino at Mary Jean Balse. Pero ang nakatawag pansin sa akin ay ang baguhang setter ng UST na si Rhea Katrina Dimaculangan. Ilang beses niyang na-block si Jaroensri Bualee ang Thai guest player ng SSC-R. Kitang-kita sa mukha ni Bualee ang pagkadismaya at pagka-intimidate sa tuwing naba-block siya. At hindi lang dahil dun kaya kapansin-pansin ang performance ni Dimaculangan, dahil din ito sa magagandang sets niya sa mga attackers. Si Balse ang best player of the game nung quarterfinals na iyon.

100_6967.jpg
Si Michelle Carolino pagkatapos ng Quarterfinal Match laban sa SSC-R.

100_6964.jpg
Si Mary Jean Balse habang ini-interview bilang Best Player of the Game sa Quarterfinal Match ng UST at SSC-R.

100_6966.jpg
Si Venus Bernal na isang alumna ng UST at dating Team Captain. Nanalo na rin siya bilang MVP sa V-League.

100_7019.jpg
Si Laurence Ann Latigay habang ini-interview bilang Best Player of the Game nung Semifinals laban sa AdU.

Sa finals, ang napanood ko ng live ay yung first game ng best of three finals na kung saan natalo ang UST ng SSC-R in 3 straight sets, 17-25, 22-25, 19-25. Yung second game hindi ko napanood dahil nag-team building kami nun. Pero nanalo naman nung time na un ang UST in 3 straight sets din, 25-21, 25-22, 25-23. Napanood ko na lang sa Youtube yun. At sa second game na yun, dun may gustong-gusto akong set ni Dimaculangan kay Aiza Maizo na Team Captain ng UST. Back set yun sa position 2 o opposite attacker's area. At talaga namang perfect ang set ni Dimaculangan na yun kay Maizo. Dahil sa magandang performance ni Dimaculangan tinanghal siyang Best Setter at siya ang Most Valuable Player of the Finals. Habang si Mary Jean Balse naman ang MVP of the Conference. Pangalawang MVP award na ni Balse dahil siya ang kauna-unahang MVP ng Shakey's V-League nung nagsimula ito nung 2003 at siya pa lang ang nakakadalawang beses na naging MVP. Dahil sa pagkakapanalo ng UST sa second game in 3 straight sets din, nagkaron ng third and deciding game kung sino ang magiging Champion ng conference na ito. Sa third game, nanalo rin ang UST in 3 straight sets, 25-18, 25-20, 25-22. Ang saya-saya ko talaga nung nakuha ng UST ang kanilang 4th title sa Shakey's V-League at pumapangalawa ang DLSU na may 3 titles.

Balse.jpg Mary_Jean_Balse.jpg
Si Mary Jean Balse ang Most Valuable Player sa Shakey's V-League Season 6 First Conference.

100_7048.jpg
Ito si Joanne Botor-Carpio ang guest player ng Adamson University. Siya ang setter na left-handed at pumapalo kaya siya ang pinaka gusto kong setter sa lahat. Ini-interview siya bilang Best Player of the Game laban sa FEU nung Battle for Third Place na pinanalunan nila.

100_7068.jpg
Si M9 Michelle Carolino habang pumapalo sa Finals Match. Air Carolino naman ang tawag ng iba sa kanya.

100_7053.jpg
Ang middle blocker ng UST na si Maika Ortiz doing a quick attack.

100_7076.jpg
Ang Team Captain ng UST na si Aiza Maizo habang pumapalo sa right side of the court. Siya ang opposite hitter na pinagmamalaki ng UST.

100_7056.jpg
Ang MVP na si Ging Balse. Palayaw ni Mary Jean Balse yun. Masasabing versatile player siya dahil middle blocker talaga siya pero sa larong ito, ginawa siyang outside hitter.

100_7107.jpg
Ito ang tinatawag na "patong". Ang play na kung saan ay dinadaya ng setter ang kalaban dahil kunwari sa middle blocker niya ibibigay ang bola pero sa isang outside hitter na papalo sa middle position sa court. Si Michelle Carolino ang pumapalo dito at si Maika Ortiz ang middle blocker na gumawa ng daya.

Haaay... Ang second conference ng Season 6 ay sa October na. Dun ko na lang ulit mapapanood ang V-League. Pero ngayong darating na July ang World Grand Prix naman ang pwede kong mapanood. Kaya talagang aabangan ko yun. Hehehe...

Posted by HolisticMe 11:14 AM Archived in Women | Philippines

Email this entryFacebookStumbleUponRedditDel.icio.usIloho

Table of Contents

Comments

aus ah! little walk down memory lane ah.. ang taas nman ng memory mo dude! i lyk Valleyball too but i seldom play it way back high skul & college... nice blog!

09.07.2009 by LyndonPaul

Thank you! I really love this game kaya tandang-tanda ko. Actually, I edited an entry in Wikipedia about the Shakey's V-League. The pieces of information stated there were all wrong that is why I really edited it. Hehehe... Minsan laro tau.

16.07.2009 by HolisticMe

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint